Blogspot Or Not

March 20th, 2008 by kerkurgel

Hindi ako makapag decide kung
lilipat na ba ako ng network. Malaki kasi ang offer sa akin sa Blogspot.com at
baka don na ako sumikat. Hindi ko naman maiwan ang Friendster kasi dito ako
nakilala. Hay hirap ng sikat na!

Twirl Effect

March 19th, 2008 by kerkurgel

Nalala ko nung kumukuha ako ng
health certificate noon sa Quezon City Health Department, isa sa mga
requirements eh plema at stool o tae. Sabi ko don sa babaeng napagtanungan ko
eh paano kung wala akong plema? Edi dumahak ka! Ano?

 

Hindi naman din ako nahirapan
sa pagkuha ng tae. Sympre hindi ko na itatanong kung paano kumuha non.
Pagkatapos kong makakuha ng lalagyan e dali dali akong pumunta ng CR para
tumae. Buti na lang at kakakain ko lang. Medyo ginawa ko pa ngang parang sa frosty
me parang twirl effect. Haba naman ng pila. Isasubmit na lang ipipila pa ung
taeng dala namen.

 

Habang nakapila ako napansin
ko yung iba. Kadiri naman pwede naman nila munang itago sa bag bakit kelangan
nilang ibuyanyang sa public. Ako nilagay ko muna sa loob ng bag ko. Nakita ko
ung sa katabi ko parang nagkalat sa lalagyan nya, meron napunta sa takip.

 

Nang malapit na ako sa window
ung nasa unahan ko sinabihan nung kumukuha ng specimen na bawasan ung laman ng
lalagyan nya. Ano? Paanong babawasan mo pa un? Pinagpawisan tuloy ako baka
marami ren ung sa akin. Anong gagawin ko kutsarain ko at bawasan?

Facts On Flies

March 19th, 2008 by kerkurgel

Hindi ko ugali ang matulog sa
byahe pero naranasan ko na makatulog sa LRT ng nakatayo. Bumigay ang tuho ko at
pati ako bumagsak sa sahig. Malamang kung anu ano lang pumapasok sa isip ko pag
nasa daan.

 

40Tulad ng napansin ko. Isang
langaw.

Aba

nakalibre pa ng sakay itong langaw na ito. Mapitik nga. Ganun na lang ang
pagtataka ko ng lumipad ito. Bakit ako magtataka?

 

Eto ung matagal ng tanong sa
isip ko kahit nung bata pa ako kung bakit ang isang langaw na nasa loob ng
umaandar at napakatulin na sasakyan eh nagagawang makalipad. Hindi ba hindi na
nakatuntong ang mga paa nya sa sasakyan kaya dapat maiiwan sya sa ere?

Valentines Day Tips

February 19th, 2008 by kerkurgel

1. Umuwi ng maaga kunwari may ka date sa gabi.

2. Mag suot lang ng red na underwear at kapag may
nagtanong kung bakit hindi ka nakapula, proud na ipakita ang panty o brief.

3. Pag laruan oras oras ang ringing tone ng celphone
at magpanggap na marami kang caller.

4. I-miscol ang ex mong may syota na nang 1,000
times. Kapag nag txt huwag replayan.

5. Mag check-in sa motel mag isa. Gumulong at
tumalon sa kama.

6. Kapag babae, magpadiliver ng bouqet ng flowers
para sa susunod na taon. Magugulat ka na lang sa next year biglang may
magbibigay ng bulaklak sayo. Huwag kalimutan ilagay ang sender na anonimous.

7. I-announce sa lahat na pinalitan mo na ang birth
date mo at ginawa mo nang Feb 14. Magpaparty sa bahay.

8. Baguhin ang Complicated na status ng love life sa
profile mo sa Friendster at ilagay ang In A Relationship kahit wala.

9. Kung lalaki tignan ang wallet. Malaking tipid ang
walang ka date. Mag shopping kinabukasan.

10. Mag donate ng dugo.

11. Pumunta sa botika at maghanap ng XL na size ng
condom.

12. Kapag may nagpropose ng date huwag ipahalata na
go na go ka. Bumilang ng tatlo sa isip at sabay sabi na meron na eh. Mabuti na
yung nakakasiguro baka niloloko ka lang at mabuko ka pa.

13. Magpatay ng cellphone from 5pm to 12mn.

14. Iwasang maglakad sa kalye ng mag isa.

15. Secret lang ang isagot sa lahat ng inquiries ng
gagawin mo sa Valentines day.

16. Iwasang magpupunta sa mall ng mag isa.

17. Pumasok ng nakalampin at magdala ng pana.

18. Isabuhay ang sinasabi ng mga nagmamahalan na
araw araw dapat valentines day. Gawing ordinary day ang araw na ito.

Tandaan lang na mas magandang isagawa ang lahat ng
ito nang mag isa.

KSP

January 20th, 2008 by kerkurgel

 

Malakas ang memorya ko lalo na kapag tungkol sa kalokohan. Noong nasa grade 5 ako may naaalala akong ginawa ko sa kaklase naming babae na hindi ko malimutan.

Bago ang building kung saan doon ang classroom namen. Nasa 3rd floor kami noon. Kulay puti ang kulay ng pintura ng building na patayo ni mayor na pinangalan pa sa tatay nya. White na white ang pintura kaya naman mahigpit na mahigpit ang mga titser sa pagsusuway sa mga estudyante na nagsusulat sa dingding nito. Bawal magsulat ballpen man pentelpen o lapis. Bawal itaas ang paa kapag nakasandal ka dito dahil babakat ang dumi ng sapatos sa dingding. Maraming bawal sa napakaputi napakaganda at napakalinis naming dingding ng classroom. Isa lang ata ang nakalimutang isiping ipagbawal.

Ang ganda ng view sa may bintana. Dahil na rin letter u ang start ng surname ko laging nasa row 4 ako. Kami ung nakadikit sa bintana at dingding. Kami ung unang mapagbibintangan kung anumang makitang dumi sa may dingding namin. Ang katotohanan marami na ang lumapastangan sa dingding na un pero sa kadahilanang hindi ito kasama sa pinagbabawal. Ang pagdidikit ng kulangot sa pader o ksp. Parang mosaic ung mga nakadikit na kulangot sa dingding. May ibat ibang hugis, laki at kulay. Mayroong may buhok pa at ang iba naman may kasama pang sipon na natuyo at may nafossilize pa atang langgam sa sipon.

Naiisip mo bang naiisip ko B1? Palagay ko nga B2, sagot ng bestfriend ko na katabi ko lang sa desk na pahaba at kulay puti rin. Operation tanggal kulangot. Kumuha ako ng stick at nag alis ako ng isa sa mga nakadikit na kulangot. Nilagay ko un sa ibabaw ng desk namin na puti. Maya maya tumawag na si B2 ng bibiktimahin.

Si Ela, ang kaklase naming babae na sobrang sungit na laging naka assign na taga tinda sa tray ng canteen sa amin. Lagi kaming nasa row 4 ang hinuhuli sa pagtawag sa pagpila sa tray ng canteen. Wala ka na tuloy mabili kundi ung tag pipiso na juice na sa gitna mo pa tutusukin ng straw para mainom.

Ang accomplice ay ang buong row 4. Lumapit ang biktima. Sabi ko sa kanya huhulaan ko siya sa pamamagitan ng pagbasa sa palad nya. Binigay naman nya ang kanang kamay nya para mabasa ko ang palad nya. Binasahan ko sya kunwari. Pagkatapos sinabi ko na kailangan lagyan ng pwersa ung kamay nya para lalong lumabas ung mga guhit ng palad. Ipinapatong ko sa desk ung kamay nya ng patihaya. Diniinan ko yon sa pamamagitan ng pagpatong ko ng kamay ko sa ibabaw ng kamay nya. Diniinan ko ng sobra. Dalawang kamay. Nagtawag pa ako ng mga kaklase para dumagan sa palad nya. Mga sampung kamay na ang nakapatong sa kamay ni Ela. Dinasalan ko pa kunwari at pinapikit ko sya. Tapos na! Iniisa isa namen ang pag alis ng mga kamay habang si Ela ay nakapikit pa. Iniangat na nya ang palad nya at sabi ko na idahan dahan nyang imulat ang mga mata nya at titigan mabuti ang palad nya. Ang nasa palad nya. Ang nasa palad nya ay walang iba kundi kulangot.

Dalawang Klase Ng Mani At Si Aladdin

December 12th, 2007 by kerkurgel

Nabasa nyo na ba ung mga old post ko dito… lalo na yung mga green jokes… nakakatuwa hindi ba. Punta lang kayo sa Archives ko at select nyo lang ung mga months don.

Ewan ko ba kung saan ako nagmana ng pagiging “green” ko. Siguro sa dad ko. Pero never naman kaming nag topic about sa sex. Ni hindi ko nga marinig na mag salita un ng puke, kantot atbp. Ni hindi nga ako nasundan eh! Pero one time ginulat ko siya “pukeng me nunal!!!” gulat na sabi nya. O kaya pag natisod sya, "ay puke!!!" Nalala ko ren nung bata pa ako at wala pang muwang sa kalaswaan, pinabibili nya ako ng mani sa may kanto. “Bumili ka ng mani sa may kanto –un may buhok ha.” “Maning may buhok?” tanong ko. Un pala ung tawag nya sa maning may balat, meron din kasing maning kalbo o ung walang balat.

Nabuko ko ren sya na maraming nakatagong bold na VHS tape sa aparador. Nakaplastik pa nga un ng SM na blue. Akala ko kasi cartoons na Aladin un eh. Isa ata sa mga klasikong triple x rated film un na casting e international pero shinoot locally pano me aladin pa na bus na dumaan hehehe. Di ko na ikwekwento kasi malamang napanood nyo na yun kasi nung elementary ako lahat ng classmate kong lalaki alam un. O sige kwento ko konti. Isang lalaking libog na libog ang nakapulot ng bote na me laman na genie, so malamang hindi pera ang laman ng 3 wishes nya. Hirap pa sa diskarte na huwag mabuko na ginalaw ko ung VHS tape na yun. Hindi tulad ngayon na CD. Eh kasi kelangan mong tandaan yung number na parang time don sa LCD screen ng VHS player. Pag finorward o play backward mo maiiba so dapat ibabalik mo sa dating posisyon para di ka mayari.

Comment Please

December 11th, 2007 by kerkurgel

Wag basa ng basa lang… mag comment naman kayo sa baba. Yun na lang nga bayad nyo dito eh hehehe. Bati portion muna… Happy Birthay ate Theresa…  thank you sa lahat. Good day den sa mga taga Marwan Tower flat 1105.

Maam Si Kerk Po Yun

December 11th, 2007 by kerkurgel

“Ma para taytay na ako!!!”

“Malayo pa nasa Pasig pa lang tayo.”

“Taytay na sabi ako ehhh para naaaaa!!!”

“Malayo pa nga. Umupo ka muna dyan.”

“Ehh…….”

“Ang baho sino un??? Argggh… ang baho amoy…”

“Sabi ko sa inyo, taytay na ako eh.”

Elementary ako noon nasa grade 3. Pagkatapos ng recess namen, sumakit ang tyan ko. Matatae ata ako. Ayokong tumae sa banyo namen. Public school ako kasi. Para ng kumunoy ung taeng naimbak don sa inodoro don. May lumot lumot na at nalalakaran na ng bangaw at langaw ung tae. Tska dyahe walang lock, tska tutuksuhin ka pag tumae ka don. Kaya tiniis ko na lang at malapit na namang mag uwian. Maya maya sobra na talagang sakit. Parang may lalabas na. Nakupo. Hindi na talaga napigilan. Natae yata ako sa short ko. May naka amoy na katabi ko. “Ang baho tumae ka noh Kerk?” sabi ni tukmol na katabi ko. “Hindi ah” deny to death kong sagot. “Tumae ka eh, tumayo ka nga.” “Sabi ng hindi eh.” Humarap ako sa isa kong katabi sa kaliwa. Tinanong ko sya “Ui anong oras na?” “Ha eh ikaw ung may relos eh” Oo nga pala me relo nga pala ako. “Ah o sige ako na lang tanungin mo kung anong oras na” palusot ko… wala lang maiba lang usapan at malayo sa tae. Ang kulit ni tukmol akmang magsusumbong na at magtataas na ng kamay. “Maam si Kerk po tum…wamaw” Sabay takip ko sa bibig nya. Loko to ah. Sinaksak ko nga ng ballpen sa kamay. Maya maya pati si Titser nakaamoy na. “Class may tumae ba sa inyo” sabi ni titser. Nagkatinginan. Masama ang tingin ko kay tukmol para hindi magsumbong. “O sige class pag bilang ko ng tatlo lahat kayo tatayo ah. 1-2…” “Maam si Kerk po un tumae!”

How To Make Wendy’s Iced Tea

December 10th, 2007 by kerkurgel

After 4 years mahigit sa wakas nalaman ko na ang sikreto sa likod ng napakasarap na Iced Tea ng Wendy’s salamat sa kapitbahay naming si Arlene (at isa sa bagong reader ng blog ko). Nung natikman ko ungNew4 lasa ng home made na Iced Tea eh kasing lasa ito ng Iced Tea ng Wendy’s.
Nalala ko doon yata lumobo ang tyan ko kakainom ng Iced Tea ng Wendy’s paano ba naman every day na uuwi ako galing PATTS eh bababa ako sa Pasay Rotonda at don bago ako umakyat sa  MRT Taft Station eh may Wendy’s sa baba nito. Sarap na sarap pa ako sa Iced Tea na un. Lalo na doon yata kami kumakain ni Ericca dati. Yung Super Combo meal pa ang inoorder namen na tig 79 Pesos ata. Well “Kerki, alam mo na ba ang balita sa yong old best friend???” Congrats at sa kanyang magiging beybi. Masarap pa rin naman ang Iced Tea. Hindi nagbabago ang lasa. Yun lang. Hahaha.

Icedtea736291_21 big glass of water (1/4 hot)

1 Lipton tea bag normal flavor

1 Lipton Green tea bag

1 lemon

Sugar

Ice cubes

Pour ¼ hot water in a big glass or big mug and put inside the two tea bag. Cut the lemon and extract the juice and mix the juice in the glass. Set aside for 3-5 minutes. Put cold water and sugar. The taste to make it like Wendy’s is depends on the sugar. Put more sugar. Stir well. Put some ice cubes and serve.

Yuck Pero Gawaing Normal

December 6th, 2007 by kerkurgel

Natanong mo na ba sa sarili mo kung iniluwal ka nga bang normal ng nanay mo? Hindi naman dahil mukha kang abnoy at katawa tawa ang itsura mo kundi sa mga kinikilos mong mala out of this world, kaya naman naiiwang malaking palaisipan sa’yo ang tanong na -norma ba ako? Eto ang tseklist ng mga kilos na tyak ginawa nyo o try nyo gawin isang araw, pero gawain ng normal na tao:

  • Nanghinayang ka bang pitikin o itapon yung nakuha mong kulangot sa ilong mo dahil sa sobrang laki at may buhok pang kasama? Kulang na lang eh ipalagay mo ito sa vault ng Ripley’s Believe It Or Not sa sobra mong panghihinayang itapon ito.

  • Paulit ulit kang umuutot dahil sa una mong utot eh kinulob mo ito sa palad mo at inamoy pabalik sa ilong at nasabi mo sa sarili mo na enjoy kang amuyin ang mala imburnnal mong utot at tinalo mo pa ang Langhap Sarap Jollibee Ad.

  • Isa pang nakakapanghinayang na gawin eh ung i-flush mo ung ebak mo na ang haba haba at ang laki laki.

  • Adik adik ka sa kakaamoy sa paa mo matapos mong tanggalin ang medyas mo. Kaya mo itong gawin pero hindi sa paa ng may paa.

  • Nabugnot ka dahil nakawala sa hintuturo mo ung kulangot na pagkalaki laki na namimilipit ka pa sa kakasungkit dito. Ang isang way na gawin mo dito ay suminga ng malakas at kapag tumalsik palabas ang misteryosong kulangot mo e search and rescue pa ang gagawin mo dito at kung game ka talaga eh dadamputin mo pa ito at bibilugin sa palad mo. Ang pangalawang way eh kunin thru dila at ilabas sa bibig.

  • Isa pa sa mga kulangot series eh ung pag hati mo dito sa gitna o sa maraming pieces (hanggat maari, depende sa laki) at isa isa among pitikin.

  • Minsang may plema ka malapit sa nostril mo at sa pagkuha mo thru lalamunan eh me sumamang kulangot at kung siniswerte ka pa eh me tutsang kasama na hirap ka pang kunin sa dila mo at nalasahan mong maalat alat pala ang kulangot.

  • Natinga ka at nginuya mo at nilunok ang tinga mo.

  • Pagnguya sa plema sa kadahilanang hindi mo alam.

Sa mga nabanggit ko.. tiyak isa don eh gustong gusto mong gawin hindi ba? Huwag kang mag alala at hindi ka nag iisa. Hehehe