LLACBSLASG Meets Regine Velasquez In Dubai
Thursday, October 18th, 2007First time ko siguro manuod ng live concert, kawawa naman ako pero ok lang dahil ang first time kong concert na napanuod ay si Regine Velasques at sa Dubai pa (libre pa thanks Josh and Jhandy).

Medyo nagkandaligaw ligaw pa kami nina Josh at Jhandy at naloko pa yata kami ng taxi driver na hindi nya raw alam ang Dubai Tennis Stadium, mula Sharjah umabot tuloy ng 38 Dhs ang fare papuntang Dubai na dapat ay kalahati lang. Dumating naman kami ng maaga sa venue at nakapili kaming tatlo ng magandang seat. Ang naubusan kami ng VIP at VVIP tickets kaya Grand Seating ang nakuha namen pero kung tutuusin eh mas maayos pa sa VIP at VVIP ung seats namen na nasa elevated na gilid ng stadium.
Bago pa magsimula eh nakahingi si Josh ng souvenir picture ng idol namen. Nasa oras naman ang simula ng concert at halos lahat ng nanunuod ay sigawan ng lumabas na si Regine habang kumakanta ng Narito Ako.

Sorbrang galing magperform ni Regine na kahit paos pa sya ay walang patid ang kakasigaw nya sa mga kanta nya. Walang kupas pa ren! Ngayon ko lang sya narinig kumanta ng live at talagang sobrang powerful ng voice nya. Un bang kunwari nakikinig ka lang sa component mo tapos pag itataas na nya eh parang itotodo mo ung volume ng component mo na halos sasabog na ung speaker.
Ito lahat ng mga kinanta nya (in order): Hinahanap-hanap Kita, You Are My Song, Tuwing Umuulan, Dancing Queen, On The Wings Of Love, Till I Met You, Sana Maulit Muli, Dadalhin, Ikaw, Carpenter’s Medley, Kailangan Ko’y Ikaw, Unwritten, at Barbara Streisand Medley.
May pahabol pa nung huli na akala ng lahat eh tapos na ung concert ng biglang bumalik si Regine: I Will Survive, Let’s Dance, at I Don’t Wanna Miss A Thing.

