Coming Soon
Friday, November 23rd, 2007Hindi nyo ba alam na me sequel ang Spider Man 3? Eh ang anime na Dragon Ball alam nyo bang gagawin movie? Ilan lang yan sa mga films na aabangan ko for sure in near future.
Ang bagong Joker sa The Dark Knight (2008) na sequel sa Batman Begins na gagampanan ni Heath Ledger, gaano kaya kagaling ang portrayal niya bilang Joker. Hindi ako masyadong interesado sa Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull (2008) para kasing wala ng bago sa habulan sa gubat na parang Tomb Raider/ The Mummy na ren, pero napanood ko lahat halos ang Indiana Jones films. Speaking of The Mummy, meron itong pangatlong sequel na The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor (2008) bida pa ren si Brendan Fraser with Jet Li naman. Magtutungalian ang Marvel at DC Comics sa Superman: Man of Steel (2009) at X-Men Origins: Wolverine (2009). Ang akala kong trilogy lang ng Saw, meron pala itong coming installments, Saw IV (2007), Saw V (2008), Saw VI (2009). May remake ren ang paborito kong doll na si Chucky sa Child’s Play (2009) na medyo hawig nya ata si Astro Boy (2009) na kahit animated eh aabangan ko pa ren. Syempre wala akong papalampasin sa Marvel movies katulad ng Iron Man (2008), The Incredible Hulk (2008), Spider Man IV (2010), The Avengers (2009), Ghost Rider 2 (2009), Magneto (2009), Silver Surfer (2009).
At ang mga mahihilig sa games tiyak na matutuwa sa upcoming na movies from games to the big screen like Castlevania (2008), ang labanan ng Vlad clan at Belmont Clan, nandyan den ang Tekken (2009), Devil May Cry (2008), Silent Hill 2 (2008), Metal Gear Solid (2008), Street Fighter (2008), Max Payne (2009). Abangan naman ang Kame hame wave ni Gokou kasama si Picollo sa Dragon Ball (2008) at syempre mawawala ba ang Transformers 2 (2009) at Voltron (2010).
Haay. Wag nyo nang piliting hanapin sa suki nyo sa Quiapo o Baclaran ung mga titles na binanggit ko ha.

