Archive for December, 2007

Dalawang Klase Ng Mani At Si Aladdin

Wednesday, December 12th, 2007

Nabasa nyo na ba ung mga old post ko dito… lalo na yung mga green jokes… nakakatuwa hindi ba. Punta lang kayo sa Archives ko at select nyo lang ung mga months don.

Ewan ko ba kung saan ako nagmana ng pagiging “green” ko. Siguro sa dad ko. Pero never naman kaming nag topic about sa sex. Ni hindi ko nga marinig na mag salita un ng puke, kantot atbp. Ni hindi nga ako nasundan eh! Pero one time ginulat ko siya “pukeng me nunal!!!” gulat na sabi nya. O kaya pag natisod sya, "ay puke!!!" Nalala ko ren nung bata pa ako at wala pang muwang sa kalaswaan, pinabibili nya ako ng mani sa may kanto. “Bumili ka ng mani sa may kanto –un may buhok ha.” “Maning may buhok?” tanong ko. Un pala ung tawag nya sa maning may balat, meron din kasing maning kalbo o ung walang balat.

Nabuko ko ren sya na maraming nakatagong bold na VHS tape sa aparador. Nakaplastik pa nga un ng SM na blue. Akala ko kasi cartoons na Aladin un eh. Isa ata sa mga klasikong triple x rated film un na casting e international pero shinoot locally pano me aladin pa na bus na dumaan hehehe. Di ko na ikwekwento kasi malamang napanood nyo na yun kasi nung elementary ako lahat ng classmate kong lalaki alam un. O sige kwento ko konti. Isang lalaking libog na libog ang nakapulot ng bote na me laman na genie, so malamang hindi pera ang laman ng 3 wishes nya. Hirap pa sa diskarte na huwag mabuko na ginalaw ko ung VHS tape na yun. Hindi tulad ngayon na CD. Eh kasi kelangan mong tandaan yung number na parang time don sa LCD screen ng VHS player. Pag finorward o play backward mo maiiba so dapat ibabalik mo sa dating posisyon para di ka mayari.

Comment Please

Tuesday, December 11th, 2007

Wag basa ng basa lang… mag comment naman kayo sa baba. Yun na lang nga bayad nyo dito eh hehehe. Bati portion muna… Happy Birthay ate Theresa…  thank you sa lahat. Good day den sa mga taga Marwan Tower flat 1105.

Maam Si Kerk Po Yun

Tuesday, December 11th, 2007

“Ma para taytay na ako!!!”

“Malayo pa nasa Pasig pa lang tayo.”

“Taytay na sabi ako ehhh para naaaaa!!!”

“Malayo pa nga. Umupo ka muna dyan.”

“Ehh…….”

“Ang baho sino un??? Argggh… ang baho amoy…”

“Sabi ko sa inyo, taytay na ako eh.”

Elementary ako noon nasa grade 3. Pagkatapos ng recess namen, sumakit ang tyan ko. Matatae ata ako. Ayokong tumae sa banyo namen. Public school ako kasi. Para ng kumunoy ung taeng naimbak don sa inodoro don. May lumot lumot na at nalalakaran na ng bangaw at langaw ung tae. Tska dyahe walang lock, tska tutuksuhin ka pag tumae ka don. Kaya tiniis ko na lang at malapit na namang mag uwian. Maya maya sobra na talagang sakit. Parang may lalabas na. Nakupo. Hindi na talaga napigilan. Natae yata ako sa short ko. May naka amoy na katabi ko. “Ang baho tumae ka noh Kerk?” sabi ni tukmol na katabi ko. “Hindi ah” deny to death kong sagot. “Tumae ka eh, tumayo ka nga.” “Sabi ng hindi eh.” Humarap ako sa isa kong katabi sa kaliwa. Tinanong ko sya “Ui anong oras na?” “Ha eh ikaw ung may relos eh” Oo nga pala me relo nga pala ako. “Ah o sige ako na lang tanungin mo kung anong oras na” palusot ko… wala lang maiba lang usapan at malayo sa tae. Ang kulit ni tukmol akmang magsusumbong na at magtataas na ng kamay. “Maam si Kerk po tum…wamaw” Sabay takip ko sa bibig nya. Loko to ah. Sinaksak ko nga ng ballpen sa kamay. Maya maya pati si Titser nakaamoy na. “Class may tumae ba sa inyo” sabi ni titser. Nagkatinginan. Masama ang tingin ko kay tukmol para hindi magsumbong. “O sige class pag bilang ko ng tatlo lahat kayo tatayo ah. 1-2…” “Maam si Kerk po un tumae!”

How To Make Wendy’s Iced Tea

Monday, December 10th, 2007

After 4 years mahigit sa wakas nalaman ko na ang sikreto sa likod ng napakasarap na Iced Tea ng Wendy’s salamat sa kapitbahay naming si Arlene (at isa sa bagong reader ng blog ko). Nung natikman ko ungNew4 lasa ng home made na Iced Tea eh kasing lasa ito ng Iced Tea ng Wendy’s.
Nalala ko doon yata lumobo ang tyan ko kakainom ng Iced Tea ng Wendy’s paano ba naman every day na uuwi ako galing PATTS eh bababa ako sa Pasay Rotonda at don bago ako umakyat sa  MRT Taft Station eh may Wendy’s sa baba nito. Sarap na sarap pa ako sa Iced Tea na un. Lalo na doon yata kami kumakain ni Ericca dati. Yung Super Combo meal pa ang inoorder namen na tig 79 Pesos ata. Well “Kerki, alam mo na ba ang balita sa yong old best friend???” Congrats at sa kanyang magiging beybi. Masarap pa rin naman ang Iced Tea. Hindi nagbabago ang lasa. Yun lang. Hahaha.

Icedtea736291_21 big glass of water (1/4 hot)

1 Lipton tea bag normal flavor

1 Lipton Green tea bag

1 lemon

Sugar

Ice cubes

Pour ¼ hot water in a big glass or big mug and put inside the two tea bag. Cut the lemon and extract the juice and mix the juice in the glass. Set aside for 3-5 minutes. Put cold water and sugar. The taste to make it like Wendy’s is depends on the sugar. Put more sugar. Stir well. Put some ice cubes and serve.

Yuck Pero Gawaing Normal

Thursday, December 6th, 2007

Natanong mo na ba sa sarili mo kung iniluwal ka nga bang normal ng nanay mo? Hindi naman dahil mukha kang abnoy at katawa tawa ang itsura mo kundi sa mga kinikilos mong mala out of this world, kaya naman naiiwang malaking palaisipan sa’yo ang tanong na -norma ba ako? Eto ang tseklist ng mga kilos na tyak ginawa nyo o try nyo gawin isang araw, pero gawain ng normal na tao:

  • Nanghinayang ka bang pitikin o itapon yung nakuha mong kulangot sa ilong mo dahil sa sobrang laki at may buhok pang kasama? Kulang na lang eh ipalagay mo ito sa vault ng Ripley’s Believe It Or Not sa sobra mong panghihinayang itapon ito.

  • Paulit ulit kang umuutot dahil sa una mong utot eh kinulob mo ito sa palad mo at inamoy pabalik sa ilong at nasabi mo sa sarili mo na enjoy kang amuyin ang mala imburnnal mong utot at tinalo mo pa ang Langhap Sarap Jollibee Ad.

  • Isa pang nakakapanghinayang na gawin eh ung i-flush mo ung ebak mo na ang haba haba at ang laki laki.

  • Adik adik ka sa kakaamoy sa paa mo matapos mong tanggalin ang medyas mo. Kaya mo itong gawin pero hindi sa paa ng may paa.

  • Nabugnot ka dahil nakawala sa hintuturo mo ung kulangot na pagkalaki laki na namimilipit ka pa sa kakasungkit dito. Ang isang way na gawin mo dito ay suminga ng malakas at kapag tumalsik palabas ang misteryosong kulangot mo e search and rescue pa ang gagawin mo dito at kung game ka talaga eh dadamputin mo pa ito at bibilugin sa palad mo. Ang pangalawang way eh kunin thru dila at ilabas sa bibig.

  • Isa pa sa mga kulangot series eh ung pag hati mo dito sa gitna o sa maraming pieces (hanggat maari, depende sa laki) at isa isa among pitikin.

  • Minsang may plema ka malapit sa nostril mo at sa pagkuha mo thru lalamunan eh me sumamang kulangot at kung siniswerte ka pa eh me tutsang kasama na hirap ka pang kunin sa dila mo at nalasahan mong maalat alat pala ang kulangot.

  • Natinga ka at nginuya mo at nilunok ang tinga mo.

  • Pagnguya sa plema sa kadahilanang hindi mo alam.

Sa mga nabanggit ko.. tiyak isa don eh gustong gusto mong gawin hindi ba? Huwag kang mag alala at hindi ka nag iisa. Hehehe