Archive for March, 2008

Blogspot Or Not

Thursday, March 20th, 2008

Hindi ako makapag decide kung
lilipat na ba ako ng network. Malaki kasi ang offer sa akin sa Blogspot.com at
baka don na ako sumikat. Hindi ko naman maiwan ang Friendster kasi dito ako
nakilala. Hay hirap ng sikat na!

Twirl Effect

Wednesday, March 19th, 2008

Nalala ko nung kumukuha ako ng
health certificate noon sa Quezon City Health Department, isa sa mga
requirements eh plema at stool o tae. Sabi ko don sa babaeng napagtanungan ko
eh paano kung wala akong plema? Edi dumahak ka! Ano?

 

Hindi naman din ako nahirapan
sa pagkuha ng tae. Sympre hindi ko na itatanong kung paano kumuha non.
Pagkatapos kong makakuha ng lalagyan e dali dali akong pumunta ng CR para
tumae. Buti na lang at kakakain ko lang. Medyo ginawa ko pa ngang parang sa frosty
me parang twirl effect. Haba naman ng pila. Isasubmit na lang ipipila pa ung
taeng dala namen.

 

Habang nakapila ako napansin
ko yung iba. Kadiri naman pwede naman nila munang itago sa bag bakit kelangan
nilang ibuyanyang sa public. Ako nilagay ko muna sa loob ng bag ko. Nakita ko
ung sa katabi ko parang nagkalat sa lalagyan nya, meron napunta sa takip.

 

Nang malapit na ako sa window
ung nasa unahan ko sinabihan nung kumukuha ng specimen na bawasan ung laman ng
lalagyan nya. Ano? Paanong babawasan mo pa un? Pinagpawisan tuloy ako baka
marami ren ung sa akin. Anong gagawin ko kutsarain ko at bawasan?

Facts On Flies

Wednesday, March 19th, 2008

Hindi ko ugali ang matulog sa
byahe pero naranasan ko na makatulog sa LRT ng nakatayo. Bumigay ang tuho ko at
pati ako bumagsak sa sahig. Malamang kung anu ano lang pumapasok sa isip ko pag
nasa daan.

 

40Tulad ng napansin ko. Isang
langaw.

Aba

nakalibre pa ng sakay itong langaw na ito. Mapitik nga. Ganun na lang ang
pagtataka ko ng lumipad ito. Bakit ako magtataka?

 

Eto ung matagal ng tanong sa
isip ko kahit nung bata pa ako kung bakit ang isang langaw na nasa loob ng
umaandar at napakatulin na sasakyan eh nagagawang makalipad. Hindi ba hindi na
nakatuntong ang mga paa nya sa sasakyan kaya dapat maiiwan sya sa ere?