Twirl Effect
Nalala ko nung kumukuha ako ng
health certificate noon sa Quezon City Health Department, isa sa mga
requirements eh plema at stool o tae. Sabi ko don sa babaeng napagtanungan ko
eh paano kung wala akong plema? Edi dumahak ka! Ano?
Hindi naman din ako nahirapan
sa pagkuha ng tae. Sympre hindi ko na itatanong kung paano kumuha non.
Pagkatapos kong makakuha ng lalagyan e dali dali akong pumunta ng CR para
tumae. Buti na lang at kakakain ko lang. Medyo ginawa ko pa ngang parang sa frosty
me parang twirl effect. Haba naman ng pila. Isasubmit na lang ipipila pa ung
taeng dala namen.
Habang nakapila ako napansin
ko yung iba. Kadiri naman pwede naman nila munang itago sa bag bakit kelangan
nilang ibuyanyang sa public. Ako nilagay ko muna sa loob ng bag ko. Nakita ko
ung sa katabi ko parang nagkalat sa lalagyan nya, meron napunta sa takip.
Nang malapit na ako sa window
ung nasa unahan ko sinabihan nung kumukuha ng specimen na bawasan ung laman ng
lalagyan nya. Ano? Paanong babawasan mo pa un? Pinagpawisan tuloy ako baka
marami ren ung sa akin. Anong gagawin ko kutsarain ko at bawasan?